Coastal Clean-up Drive, matagumpay na naisagawa sa Isla Solomon
Matagumpay na naisagawa ang Coastal Clean-Up Drive sa Isla Solomon noong Agosto 19, 2025. Pinangunahan ito ng Jaime V. Ongpin Foundation, Inc., katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Bauang sa pamumuno ni Mr. Marc Alvin Garcia.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang mga dalampasigan at yamang-dagat. Nakibahagi rin ang iba’t ibang ahensya at institusyon tulad ng DTI, PGENRO, BFAR, NCIP, Philippine Coast Guard, PNP Bauang, BFP Bauang, BJMP Bauang, at iba pang municipal departments.
Lubos na ipinahayag ni Mayor Ma. Clarissa “Manang Bong” T. Lee ang suporta ng Pamahalaang Lokal ng Bauang sa ganitong inisyatibo bilang bahagi ng pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng susunod na henerasyon.
Ang gawaing ito ay patunay ng pagkakaisa ng pamahalaan at mga mamamayan tungo sa isang malinis at maayos na kapaligiran—isang hakbang na kaagapay sa adhikain ng Bagong Pilipinas.