BPATs, kaagapay ng kapulisan sa pagsusulong ng seguridad sa Enrile, Cagayan
Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa patuloy na kampanya laban sa kriminalidad at para sa seguridad ng komunidad sa Brgy. Lanna, Enrile, Cagayan nito lamang ika-24 ng Agosto 2025.
Isinagawa ni PSMS Arnel Caranguian, Patrol PNCO at itinalagang PSB ng Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office, ang pagpapatrolya katuwang ang mga naka-duty na BPATs ng Barangay Lann.
Layunin ng proyektong ito na pag-isahin at i-integrate ang mga inisyatibo ng PNP, mga opisyal ng barangay, kanilang mga BPATs, at iba pang suporta mula sa mga yunit ng pamahalaan. Pinapakita rin dito ang pagtutulungan ng kapulisan at ng Local Government Units (LGUs) sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan.
Binibigyang halaga ang papel ng BPATs bilang pangunahing katuwang ng kapulisan sa mga gawaing pangseguridad, tulad ng pagpigil at pagsugpo sa krimen, mabilis na pagresponde sa insidente, at pagbibigay ng tulong sa mamamayan. Sa tulong ng mga BPATs, mas naaabot at napapalakas ang presensya ng kapulisan sa bawat sulok ng barangay.
Ang aktibidad na ito ay patunay ng dedikasyon ng Enrile Police Station na mapanatili ang isang ligtas, payapa, at maayos na pamayanan, katuwang ang mga barangay at ang kanilang mga BPATs. Sa tuloy-tuloy na pakikipagtulungan at pagbibigkis ng pwersa, mas nagiging matatag ang panangga ng komunidad laban sa anumang banta ng kriminalidad.
Source: Enrile PCR