Pagpupulong kasama ang Homeowners Association, isinagawa sa Tagaytay City, Cavite

0
viber_image_2025-08-25_13-54-35-886

Matagumpay na naisagawa ang pagpupulong ng mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station, kasama ang mga miyembro ng Homeowners Association, nito lamang ika-24 ng Agosto 2025 sa Tibayan St. Tagaytay City, Cavite.

Sa nasabing pagpupulong, binigyang-diin ang aktibong partisipasyon ng Homeowners Association na nagbahagi ng kanilang mga saloobin, suhestiyon, at mga pangangailangan upang higit pang mapalakas ang seguridad sa kanilang komunidad. Ang kanilang pakikiisa ay nagsilbing mahalagang bahagi upang matukoy ang mga isyung kinahaharap ng kanilang lugar at makapaglatag ng mga konkretong hakbang para sa mas ligtas at mapayapang pamayanan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng kapulisan at ng Homeowners Association, muling pinagtibay ang kahalagahan ng kooperasyon at pakikipag-ugnayan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat residente. Ang aktibong pakikilahok ng asosasyon ay patunay ng kanilang malasakit at pagkakaisa tungo sa mas maayos at organisadong komunidad sa Tagaytay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *