Tree Planting Activity, isinagawa ng KKDAT sa Licuan-Baay, Abra
Bilang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, matagumpay na sinagawa ng mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng isang Tree Planting Activity kasama ang mga tauhan ng Licuan-Baay Municipal Police Station na isinagawa sa Sitio Talaay, Barangay Bonglo, Licuan-Baay, Abra noong Agosto 24, 2025.
Katuwang rin sa nasabing aktibidad ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK), kinatawan mula sa Lokal na Pamahalaan ng Licuan-Baay (LGU), mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at mga kabataang miyembro ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ng Baay National High School.
Sa kabuuan, mahigit 400 seedlings ang naitanim sa nasabing lugar, isang magandang halimbawa ng pagkakaisa at bayanihan sa komunidad, na naglalayong mag-iwan ng pamana ng luntiang kapaligiran para sa mga susunod pang henerasyon.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng KKDAT na layong mahikayat ang mga kabataan na maging aktibong bahagi ng lipunan at magbigay ng positibong kontribusyon sa komunidad.

