BPATs sa San Antonio, sumailalim sa lecture sa tamang pamamaraan ng pag-aresto

0
910232627_1137892825715190_7051533255335886267_n

Nagsagawa ng lecture hinggil sa tamang pamamaraan ng pag-aresto ang San Antonio Municipal Police Station para sa mga miyembro ng Barangay Peace Action Teams (BPATs) mula sa iba’t ibang barangay sa bayan noong Nobyembre 16, 2026.

Pinangunahan ng mga tauhan ng San Antonio MPS sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ NOLI A. DE GUZMAN, Officer-In-Charge, kasama ang BPATs at MTEPS, ang aktibidad sa ilalim ng Joint Police-BPATs Mobilization (JBM).

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga BPATs sa wastong pamamaraan ng pag-aresto, mapalakas ang ugnayan ng pulisya at komunidad, at mapahusay ang mga hakbang sa seguridad bilang paghahanda sa ASEAN Summit 2026.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *