Makati Police Sub-Station 5 at MSWD, nagsagawa ng ‘Galugad at Bulabog’ sa Brgy. San Lorenzo at Urdaneta
Nagsagawa ng magkatuwang na police presence, Galugad, at Bulabog ang mga tauhan ng Makati City Police Sub-Station 5 (Ayala), MSWD, at PSD sa Barangays San Lorenzo at Urdaneta, Makati City noong Nobyembre 16, 2026, bandang 1:50 ng madaling-araw.
Pinangunahan ang operasyon sa ilalim ng gabay nina Sub-Station 5 Commander PMAJ Flynn C. Aquisio at Makati Chief of Police PCOL Pedro A. Alagano.
Paalala ng pulisya sa publiko na agad tumawag sa Unified 911 Hotline para sa anumang emergency o kahina-hinalang kilos upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad.