Mag-aaral ng ACLC, nakiisa sa National Crime Prevention Week

Nakiisa ang mga mag-aaral ng Apayao Community Learning Center sa isinagawang Information Drive na ginanap sa Barangay Poblacion, Kabugao, Apayao noong Setyembre 5, 2024.
Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng paggunita sa National Crime Prevention Week na may temang: “Pinalakas na Pamahalaang Lokal para sa Ligtas na Pamayanan: Pagpapatibay ng mga Programa sa Pag-iwas sa Krimen sa ilalim ng CSOP.”


Sa pamamagitan ng mga interaktibong talakayan at mga presentasyon, tinalakay sa mga estudyante ang iba’t ibang mahahalagang paksa kabilang ang mga paalala at kaalaman sa pag-iwas sa krimen, Anti-Bullying, Safe Spaces Act, Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at mga alituntunin sa kaligtasan sa kalsada at kaalaman hinggil sa mga aksidente sa trapiko.
Bukod sa pagbibigay ng impormasyon, layunin din ng aktibidad na ito na hikayatin ang kabataan na maging aktibong kalahok sa pagtataguyod ng ligtas at maayos na pamayanan.