Peace and Order Council Meeting, idinaos sa Tarlac

0
541454778_2685408938470112_6895254453049631260_n

Idinaos ang Peace and Order Council Meeting bilang bahagi ng paggunita sa Simultaneous National Crime Prevention Week na aktibong nilahukan ng mga kasapi ng Sector 2 sa Barangay Villapaz, Gerona, Tarlac nito lamang Sabado, ika-6 ng Setyembre 2025.

Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Edilberto Santiago, Acting Chief of Police ng Gerona Municipal Police Station, na lubos namang ipinamalas ng Sector 2 at ng Barangay Council ng Villapaz ang kanilang suporta at aktibong partisipasyon sa nasabing pagpupulong.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng kapulisan at pamayanang barangay sa pamamagitan ng Community Service Oriented Policing (CSOP), isang adbokasiyang nakatuon sa pakikipagtulungan at partisipasyon ng mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Masigla tinalakay ang mga isyung lokal at nagmungkahi ng mga konkretong hakbang para sa pagpigil sa krimen, tulad ng mas pinaigting na barangay patrol, edukasyon sa kabataan, at pagtutok sa mga problema sa droga at kabataan.

Ang matagumpay na POC Meeting ay nagsilbing inspirasyon sa iba pang barangay sa Gerona upang lalong paigtingin ang kooperasyon sa kapulisan sa gitna ng patuloy na kampanya laban sa kriminalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *