Pulis San Miguel, nakiisa sa paglulunsad ng ARAL Program sa San Miguel CES sa Catanduanes
Noong Setyembre 13, 2025, bandang 10:21 ng umaga, dumalo ang mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station, sa pangunguna ni PCMS Cathylene R. Taule, WCPD PNCO at sa ilalim ng superbisyon ni PCPT RENEE R ALBAO, Officer-in-Charge, sa Launching ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program na isinagawa sa San Miguel Central Elementary School, Barangay District 3, San Miguel, Catanduanes.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan kay Mrs. Myla B. Cordial, School Principal II.

Dinaluhan din ang nasabing aktibidad ng mga kinatawan mula sa Lokal na Pamahalaan na pinangunahan ni Hon. Antonio T. Teves, Municipal Mayor; mga school heads at supervisors; mga guro at kawani ng paaralan na pinamunuan ni Ma. Jeany T. Abayon, OIC-Schools Division Superintendent; mga magulang, mag-aaral, at iba pang kinatawan ng komunidad.
Layunin ng pagdalo ng kapulisan na suportahan at itaguyod ang adhikain ng ARAL Program na tumutok sa pagbawi ng kaalaman ng mga mag-aaral na naapektuhan ng mga educational disruptions.
Ito rin ay bahagi ng pagsusumikap ng PNP na palakasin ang ugnayan sa komunidad, paigtingin ang police-community partnership, at patunayan ang mahalagang papel ng kapulisan sa pagsusulong ng dekalidad at abot-kayang edukasyon sa ligtas na kapaligiran.
Source: Sanmiguel Mps Catanduanes Ppo