Outreach Program, isinagawa sa mga Cancer Patients sa CDO
Isinagawa ang isang outreach program sa mga cancer patients sa Little Warriors Leupapo Inc. Bulua, Cagayan de Oro City nito lamang ika-9 ng Sityember 2025.
Ito ay pinangunahan ng Iponan Elite Eagles Club at The Fraternal Order of Eagles at bitbit ng naturang grupo ang mga pagkain, food packs at grocery items para sa mga kabataang cancer patients.
Bibong-bibo naman ang mga chikiting sa pagtanggap ng kanilang munting regalo at nakisabay din sa isinagawang intermission number.
Ang outreach program na ito ay nagbigay ng marka at magandang alaala sa mga kabataan na ang Eagles Club ay patuloy sa pagtulong sa mga nangangailangan.