Gift Giving Activity sa 17 benepisyaryo ng Gawad Kalinga, isinagawa sa Hernani, Eastern Samar

0
viber_image_2025-09-15_15-18-34-398

Matagumpay na isinagawa ng Local Governement Unit ng Hernani ang Gift Giving Activity sa 17 benepisyaryo ng Gawad Kalinga sa Brgy. Pinusuan, Hernani Eastern Samar nito lamang Setyembre 14, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Wilmar Candido, Sangguniang Bayan Member kasama ang KAUGUP Defenders at mga tauhan ng Hernani Municipal Police Station at Eastern Samar Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Ernesto R Macasil, Provincial Director.

Ito ay nagpapakita ng suporta sa komunidad, pagpapatibay ng pag-asa at pagpapatibay ng ugnayan sa mga kabataan.

Ang naturang aktibidad ay nagdudulot din ng positibong persepsyon mula sa publiko, nagkakaroon ng partnership at mas pinalakas na partisipasyon ng komunidad sa mga programa ng himpilan kaugnay sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng mga komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *