Iba’t ibang government agencies, nakiisa sa Bloodletting Activity sa Tacloban City

0
viber_image_2025-09-17_16-30-48-937

Nagkaisa ang mga government agencies upang magsagawa ng Blood Letting Activity sa Patriotism Hall, Government Center, Palo, Leyte nito lamang Martes, ika-16 ng Setyembre 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kawani ng Civil Service Commission Regional Office VIII kasama ang Eastern Visayas Medical Center Blood Bank.

Nakilahok rin bilang Blood Donors ang mga tauhan ng Tacloban City Police Office sa pamumuno ni Police Colonel Noelito A Getigan, City Director kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Ang naturang aktibidad ay may temang “BAWAT KAWANI, LINGKOD BAYANI: PUSO, DANGAL, AT GALING PARA SA BAYAN”.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Civil Service Month 2025 sa ika-125th Philippine Civil Service Anniversary ngayong 2025.

Layunin ng naturang grupo na makapagbigay ng tulong sa mga kababayan natin na nangangailangan ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *