LGU Enrile, matagumpay na ginunita ang ika-176 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Enrile, Cagayan

0
viber_image_2025-09-17_16-20-27-706

Matagumpay ang paggunita sa ika-176 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Enrile, Cagayan sa pangunguna ni Hon. Mayor Miguel B. Decena Jr na ginanap sa Municipal Grounds noong ika-13-14 ng Setyembre, 2025.

Katuwang ang mga kapulisan ng Enrile Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Harold P. Ocfemia, Chief of Police, kung saan nagpatupad din ang kapulisan ng mahigpit na seguridad sa fun run, katuwang ang BFP Enrile, MDRRMO, at Force Multipliers mula sa mga barangay.

Samantala, inilunsad din ang PhilHealth YAKAP Program, at dumalo ang mga mamamayan at stakeholders ng bayan. Bilang bahagi rin ng pagdiriwang, nagkaroon ng Wreath Laying bilang pagpupugay sa mga lider ng bayan at sinundan ng tree-planting activity.

Layunin ng aktibidad na bigyang halaga ang bawat ating natatamasa para sa ating bayan at mas patibayin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan, ng kapulisan at ng mga mamamayan.

Source: Enrile Pcr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *