PNP, DOLE at LGU Pres. Roxas, naghatid ng kabuhayan sa mga residente ng President Roxas, Capiz
Matagumpay na isinagawa ang Turnover Ceremony ng Commodities Store Project para sa 15 na miyembro ng Brgy. Culilang KALIPI Association sa bayan ng President Roxas, Capiz, na ginanap nito lamang ika-29 ng Setyembre 2025.
Ang proyektong ito ay naging posible dahil sa matibay na pagtutulungan ng 1st Capiz Provincial Mobile Force Company (1st CPMFC), Department of Labor and Employment (DOLE), at LGU President Roxas.
Pinangunahan ng 1st CPMFC sa pamumuno ni PLtCol Lumyaen D Lidawan, Force Commander, ang aktibidad bilang katuwang ng komunidad.
Sa ilalim ng superbisyon ni PCol Albert D Tapulao, Provincial Director ng Capiz PPO, tiniyak ng pulisya ang kanilang suporta hindi lamang sa seremonya kundi maging sa pangmatagalang monitoring upang masiguro ang tagumpay ng proyekto.
Mula naman sa DOLE, si Ms. Mary Chris Medina, LEO III/DILP Focal ng Capiz Field Office, ay nagbigay ng inspirasyon at hamon sa mga benepisyaryo na pagyamanin ang proyekto at palawakin pa ang kanilang mga kabuhayan gamit ang kikitain mula sa tindahan.
Ang kanilang tulong ay konkretong halimbawa ng pagtutok ng pambansang ahensya sa pag-unlad ng mga lokal na asosasyon.

Hindi rin nagkulang ang LGU President Roxas, na kinatawan ni Ms. Cleo Ann Tumlos, PESO Manager. Sa pamamagitan ng suporta ng lokal na pamahalaan, higit na naging matibay ang pundasyon ng proyekto, na nagbigay ng katiyakan na ang programang ito ay tunay na nakaugat sa pangangailangan ng barangay.
Sa kabuuan, ipinakita ng pagtutulungan ng PNP, DOLE, at LGU na ang sama-samang pagkilos ng mga ahensya ay susi sa pagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa kabuhayan ng mga mamamayan.
Ang proyektong ito ay hindi lamang nagbibigay ng kita kundi nagsisilbi ring simbolo ng pagkakaisa tungo sa isang mas maunlad na komunidad.
Source: 1st Capiz PMFC Pulis FB Page