BPATs, aktibong nakiisa sa Oplan Bulabog ng kapulisan
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng BPATs sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa Guadalupe, Cebu City sa pamamagitan ng Oplan Bulabog noong ika-3 ng Oktubre 2025.
Ito ay bilang bahagi ng pagsisikap ng Guadalupe Police Station 9 sa pamumuno ni PCPT VENSTINE P. BONTILAO, na tiyakin ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Isinagawa sa ilalim ng programang ito ang gabi-gabing patrol operations, checkpoint inspections, at area monitoring sa iba’t ibang sitio at purok ng mga barangay na sakop ng Area of Responsibility (AOR) ng PS9.
Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, patuloy na pinapalakas ng pulisya ang presensiya nila sa komunidad upang magsilbing hadlang laban sa masasamang elemento at mapanatiling ligtas ang mga lansangan.