Pamamahagi ng relief goods mula sa GMA Kapuso Foundation, tulong-tulong na isinakatuparan ng PCG, PNP at DSWD sa Albay
Tulong-tulong ang ilang mga kasapi ng mga awtoridad sa pamamahagi ng mga relief goods mula sa GMA Kapuso Foundation para sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan sa mga pag-aalburuto ng Bulkang Mayon nito lamang May 7, 2026 sa Brgy. Tumpa, Camalig, Albay.
Kabilang sa mga nakiisa ang Camalig Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ PHILIP NATHANIEL B. SAN BUENAVENTURA, Acting Chief of Police, na nagbigay ng police assistance, katuwang ang Philippine Coast Guard, Guardians, at DSWD.
Isinagawa ang aktibidad kaugnay ng patuloy na Alert Level 3 status ng Bulkang Mayon.


May kabuuang 435 pamilya mula sa Brgy. Tumpa ang nabigyan ng relief goods sa naturang aktibidad.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng grupo matagumpay na naiparating sa mga benepisyaryo ang nasabing mga relief goods na tiyak na nakakatulong sa kanilang mga pangangailangan habang patuloy pa rin ang aktibidad ng Bulkang Mayon.