BPATs, nagsagawa ng Clean-up Drive

0
554603759_1191637599448802_4901982683453680068_n

Nagsagawa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) ng Clean-up Drive sa Sitio Amsalsal hanggang sa Sitio Botot, Banengbeng, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-13 ng Oktubre 2025.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng Barangay Road Maintenance kung saan inalis ang mga sagabal sa kalsada at tiniyak na ang mga pampublikong daan, bangketa, at daanan ay ligtas, maayos, at malalapitan ng publiko.

Sama-sama at tulong-tulong ang mga grupo sa pagkolekta ng mga nakakalat na basura at pagtanggal ng mga damo sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar.

Ang masugid na pagtutulungan ng mga naturang grupo ay naglalayong panatilihin ang kalinisan at kagandahan ng kapaligiran para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *