Mga residente sa Tanjay City, Negros Oriental, nakiisa sa isinagawang Labor Day Outreach Program

0
viber_image_2026-05-03_13-35-51-097

Masiglang nakiisa ang mga residente ng Barangay Sta. Cruz Nuevo, Tanjay City Negros Oriental sa isinagawang Labor Day Outreach Program nito lamang umaga ng May 1, 2026.

Nanguna sa programa ang mga tauhan ng 2nd PMFC sa pamumuno ni PEMS Joefrey L Calunsag, Company ESPO, sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ JAYPEE F DAGAMI, OIC, katuwang ang kanilang mga stakholders na siyang namahagi ng mga food packs sa lahat ng mga nakibahagi sa pagtitipon.

Bahagi ang nasabing outreach program sa selebrasyon ng Labor Day kung saan ipinagdiriwang ng buong bansa ang mahahalagang kontibusyon ng lahat ng mga Pilipinong manggagawa.

Layunin ng aktibidad na makapamahagi sa mga benepisyaryo ng iba’t ibang uri ng tulong at maparamdam sa kanila na ang katuwang nila ang pamahalaan sa pagharap sa bawat hamon ng buhay at sa pagkamit ng mga positibong pagbabago sa ating mga komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *