2-Day BPATs Training, isinagawa
Isinagawa ang 2-Day Training at Seminar para sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) na pinangunahan ng Iguig Police Station sa pamumuno ni Police Major Dolriech M Patnaan, Chief of Police sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Iguig, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng community-based peace and order initiatives noong Abril 28, 2026.
Sa naturang programa, binigyang halaga ang mahalagang papel ng BPATs bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan sa mga barangay, pagpapalakas ng ugnayan ng pulisya at komunidad bilang mahalagang katuwang sa pagpapatupad ng grassroots peace and order initiatives.


Nagkaroon din ng lecture ukol sa mga tungkulin at responsibilidad ng BPATs, kabilang ang crime prevention, intelligence gathering, at aktibong community engagement.
Layunin ng naturang pagsasanay na higit pang palakasin ang kaalaman, kahandaan, at koordinasyon ng BPATs bilang mahalagang katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga barangay ng Iguig.