2nd Semester Barangay Assembly, isinagawa sa Sta, Fe, Leyte

0
viber_image_2025-10-14_17-17-12-786

Matagumpay na idinaos ng mga barangay officials ang 2nd Semester Barangay Assembly na ginanap sa Brgy Pilit, Sta, Fe, Leyte noong Oktubre 12, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga barangay officials at residente ng nasabing barangay kasama ang mga tauhan ng Sta. Fe Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Antonio M Angcay, Officer-In-Charge.

Ang talakayan ay nakatuon sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng mga community-based na inisyatiba na makakatulong sa pagpapatupad ng batas tungo sa pagkamit ng isang drug-free na barangay.

Layunin ng pagpupulong na palakasin ang partnership ng PNP at barangay sa pamamagitan ng pagpapahusay ng police presence at accessibility sa community level lalo na sa paggamit ng national emergency hotline sa pamamagitan ng 911.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *