Mag-aaral ng Taal High School, nakiisa sa Awareness Lecture ng Bocaue PNP
Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral ng Taal High School, Bocaue Bulacan sa isinagawang Awareness Lecture ng Bocaue Municipal Police Station nito lamang Biyernes, ika-17 ng Oktubre, 2025.
Pinangunahan ito ni PLTCOL VIRGILIO D RAMIREZ, Acting Chief of Police, ng natirang istasyon katuwang ang mga tauhan ng Provincila Community Affairs and Development Unit ng Bulacan PPO.
Tinalakay ng mga kapulisan sa mga Grade 12 students ng nasabing paaralan ang mahahalagang paksa tulad ng Anti-Terrorism at Anti-Criminality, na naglalayong magbigay kaalaman sa mga kabataan kung paano maging responsable, mapagmatyag, at aktibong katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Ipinahayag ni PLTCOL RAMIREZ na mahalagang bahagi ng kanilang adbokasiya ang patuloy na information and education campaign sa mga kabataan upang maiwasan ang pagkakasangkot ng mga ito sa anumang uri ng kriminalidad at upang mahubog ang kanilang kamalayan bilang mga mamamayang mapanuri at disiplinado. Patunay lamang ito ng patuloy na ugnayan ng Pambansang Pulisya at sektor ng edukasyon sa pagsusulong ng ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.