Local Government Unit ng Tabontabon, nagsagawa ng Tree Planting at Clean-up Drive Activity
Matagumpay na isinagawa ng Local Government Unit ng Tabontabon ang Tree Planting at Clean-up Drive Activity sa tabing-ilog ng Tabontabon, Leyte noong Oktubre 17, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Efren D. Redoña, Municipal Mayor kasama ang Brgy. Officials, MDRRMO, LGU employees, BFP Tabontabon at mga tauhan ng Tabontabon Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Steve John M Abasolo, Acting Chief of Police.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pagdiriwang ng Arbor Day na may temang “Let’s Take Care, Let’s Nurture the Nature of Tabontabon.”
Layunin ng naturang aktibidad ang pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran sa Tabontabon.