Majayjay PNP, nakiisa sa Barangay Assembly at nagdaos ng lecture ukol sa crime prevention at drug awareness sa Barangay Malinao

0
viber_image_2025-10-20_08-36-48-687

Aktibong nakilahok ang mga tauhan ng Majayjay Municipal Police Station sa isinagawang Barangay Assembly sa Brgy. Malinao, Majayjay, Laguna nito lamang ika-18 ng Oktubre 2025.

Sa naturang pagtitipon, nagsagawa ang mga pulis ng information and education campaign (IEC) at nagbigay ng mga lecture hinggil sa mga mahahalagang paksa gaya ng Executive Order No. 70 (NTF-ELCAC), Anti-Illegal Drugs Awareness and Campaign, at mga rape at theft prevention tips.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan ukol sa mga programang pangkapayapaan at pangkaayusan, at mapalakas ang ugnayan ng pulisya at komunidad.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Majayjay PNP at ng Laguna Police Provincial Office para sa isang ligtas, mapayap at maunlad na bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *