2nd Semester Barangay Assembly, isinagawa sa Northern Samar

0
viber_image_2025-10-21_14-37-01-368

Matagumpay na isinagawa ng mga barangay official ang 2nd Semester Barangay Assembly na ginanap sa Barangay Sampaguita, Catarman, Northern Samar nito lamang Oktubre 21, 2025.

Aktibong nakilahok ang mga MLGOO sa pangunguna ni Mr. Roel L. Ortiz kasama sina Dr. Arlan D. Ong, Municipal Veterinarian at Ms. Elean Ruth De Guia, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection at Catarman Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major berniede L Magamay, Officer-In-Charge na naghatid ng kani-kanilang mga programa at mensahe bilang suporta sa pagpapaunlad at kaligtasan ng komunidad.

Tinalakay sa aktibidad ang mga update sa peace and order situation at ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, gayundin ang iba’t ibang diskarte sa pag-iwas sa krimen na nakatuon sa mga insidenteng may kinalaman sa pananaksak, pagkalunod, at mga aksidente sa trapiko.

Ang pagpupulong ay may temang “Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon Ating Talakayin Ngayong Barangay Assembly”.

Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng kamalayan ng komunidad, pakikilahok, at pagtutulungan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa loob ng barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *