Dayalogo sa Barangay, isinagawa sa Tagaytay City
Isang makabuluhang dayalogo ang isinagawa sa Brgy. Maitim 2nd West, Tagaytay City nito lamang Martes, ika-21 ng Oktubre 2025, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya sa pagtitibay ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at pamahalaang lokal, at sa pagsusulong ng kampanya kontra kriminalidad.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station ang naturang aktibidad na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay at mga residente ng nasabing barangay. Sa dayalogo, tinalakay ang mahahalagang usapin ukol sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad ng mamamayan, at mga hakbang sa pag-iwas sa krimen.
Hinikayat din ng kapulisan ang mga opisyal ng barangay at mga mamamayan na makipagtulungan sa PNP upang mas mapaigting ang mga programa sa community policing at crime prevention.
Layunin ng aktibidad na ito na mapalalim ang kooperasyon ng komunidad at kapulisan tungo sa mas ligtas, maayos, at mapayapang Tagaytay City.
Source: Tagaytay CPS