Youth for Peace Gattaran Chapter KKDAT, nagsagawa ng Outreach Program sa Agta Community

Nagsagawa ang mga miyembro ng Youth for Peace Gattaran Chapter KKDAT ng Community Outreach Program sa Sitio Bato, Capissayan Sur, Gattaran, Cagayan nito lamang ika-13 ng Mayo 2023.

Kapit-bisig ang Youth for Peace Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Gattaran PNP at Philippine Army 77IB Alpha Company sa isinagawang feeding program at pamimigay ng mga food packs sa mga Agta Community ng nasabing barangay.

Laking tuwa at pasasalamat naman ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap mula sa bukas-palad na sumusuporta sa aktibidad.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang pamayanan na tumulong sa mga nangangailangan upang malabanan ang malnutrisyon at mapanatili ang malusog at malakas na pangangatawan.

Source: Gattaran Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *