BPATs, nakiisa sa Awareness Campaign sa Marawi City
Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa isinagawang Anti-Illegal Drug, Anti-Terrorism Awareness, at Anti-Criminality Campaign ng mga tauhan ng Marawi City Police Station sa Brgy. Sabala Manao Proper, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang Lunes ika-4 ng Abril 2026.


Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Muhiddin G Pagayawan, Chief of Police, Marawi City Police Station, ang naturang aktibidad.
Namahagi ng kaalaman si PEMS Waida M Mira-ato, Chief CAD PNCO, na may layunin na turuan at mamulat ang BPATs hinggil sa mga epekto at mararahas na gawain ng terorismo at ekstremismo, gayundin ang mapanganib na epekto ng iligal na droga bilang bahagi ng pag-iwas sa krimen.