Joint Outreach Program, isinakatuparan sa Tuburan, Cebu
Screenshot
Matagumpay na isinakatuparan ang isang joint outreach program sa pangunguna ng Tuburan LGU katuwan ang PNP, BJMP at Philippine Army nito lamang April 28, 2026 na ginanap sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗺𝗮𝘁𝘂𝗴𝗮𝗻, 𝗧𝘂𝗯𝘂𝗿𝗮𝗻, 𝗖𝗲𝗯𝘂.
Tampok sa programa ang paghahatid ng ilang basic government services gaya na lamang ng masustansiyang pagkain na dinaluhan ng nasa humigit kumulang 𝟮𝟬𝟬 𝗯𝗲𝗻𝗲𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗿𝗶𝗲𝘀.
Kabilang sa mga nakiisa sa programa ang mga tauhan ng 1st PMFC, 2nd Maneuver Platoon RPSB Team sa pangunguna ni 𝗣𝗟𝗧 𝗚𝗟𝗘𝗡𝗡 𝗕 𝗦𝗢𝗟𝗟𝗔𝗡𝗢, Platoon Leader, sa ilalim ng superbisyon ni 𝗣𝗟𝗧𝗖𝗢𝗟 𝗟𝗨𝗜𝗦 𝗦 𝗥𝗔𝗠𝗢𝗦, Force Commander.
Layunin ng programa na patuloy na suportahan ang nasabing mga komunidad sa pamamagitan ng paghahatid ng iba’t ibang tulong partikular na sa mga kabataan.
Nagkaisa ang mga awtoridad mula sa Local Government Unit ng Tuburan kasama ang mga tauhan ng Philippine Army, BJMP at PNP sa pagtiyak ng matagumpay at matiwasay na aktibidad.
Aasahan namang magpapatuloy ang parehong mga inisyatiba sa iba pang malalayong barangay sa lungsod upang patuloy na maghatid ng iba’t ibang serbisyo publiko bilang bahagi sa misyon ng pamahalaan na alalayan ang lahat ng mamamayan tungo sa maayos at ligtas na Bagong Pilipinas.