Basic Bread Making Training, isinagawa sa Baleno, Masbate

0
viber_image_2026-05-16_15-42-25-100

Matagumpay na nakiisa ang mga miyembro ng Baao Youth Organization at Women’s Organization sa isinagawang Basic Bread Making Training nito lamang Mayo 13, 2026 sa Barangay Baao, Baleno, Masbate.

Aktibong lumahok ang nasabing mga indibidwal sa lecture at hands-on demonstration ng nasabing pagsasanay na pinangunahan ng mga Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) resource persons.

Ang programa ay isinulong ng mga tauhan ng Masbate 1st PMFC / R-PSB Team Baao, katuwang ang TESDA bilang bahagi ng adbokasiya sa community empowerment at livelihood development

Itinuro ng grupo sa mga kalahok ang tamang proseso ng paggawa ng tinapay, paghahanda ng mga sangkap, at basic cake decoration techniques na maaaring magamit bilang dagdag kabuhayan.

Layunin ng pagsasanay na bigyan ang komunidad ng praktikal na kaalaman at kasanayan na makatutulong sa paglikha ng karagdagang kita at pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga pamilya sa barangay.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Program na naglalayong palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng mga proyektong nakatuon sa kabuhayan at pangmatagalang pag-unlad.

Sa pagtutulungan ng PNP, TESDA, at lokal na komunidad, higit na naitaguyod ang diwa ng self-reliance, produktibidad, at empowerment para sa kabataan at kababaihan ng Barangay Baao ng nasabing bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *