KKDAT, nakiisa sa Symposium Kontra Droga, Pang-aabuso at VAWC sa Samboan, Cebu
Nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang makabuluhang symposium ng Samboan Municipal Police Station para sa mga kabataan ng Barangay San Sebastian, Samboan, Cebu na nakatuon sa Drug Awareness, Anti-Rape Education, at Violence Against Women and Children (VAWC) nitong Mayo 18, 2026
Layunin ng naturang aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa masamang epekto ng ilegal na droga, kahalagahan ng pagrespeto sa kababaihan at kabataan, at pag-iwas sa anumang uri ng pang-aabuso at karahasan.

Sa pamamagitan ng symposium, nabigyan ng mahalagang impormasyon at gabay ang mga kalahok upang maging mas responsable, mapanuri, at aktibong katuwang sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang komunidad.
Nagpahayag naman ng suporta ang KKDAT sa patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga at iba’t ibang uri ng karahasan, habang hinihikayat ang kapwa kabataan na maging mabuting ehemplo at makiisa sa mga programang pangkomunidad.