Apat na Handheld Radio, ipinagkaloob sa San Andres, Catanduanes

0
viber_image_2026-05-20_10-43-16-574

Pinangunahan ni PMAJ Francis T. Tabo I ang turn-over ceremony ng apat (4) na handheld radio sa Brgy. Timbaan, San Andres, Catanduanes noong Mayo 17, 2026 bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng seguridad at komunikasyon sa komunidad.

Ang mga handheld radio ay personal na ipinagkaloob ni Hon. Jenor L. Sollegue, Municipal Councilor, bilang tugon sa isa sa mga pangunahing pangangailangan na inilahad ng Barangay Timbaan sa isinagawang “Kapihan sa Barangay.”

Ayon sa ulat, naging bahagi aa talakayan sa kapihan ang agarang pagtugon sa pangangailangan ng barangay, partikular sa pagpapabuti ng komunikasyon at koordinasyon ng mga opisyal ng barangay at mga miyembro ng Barangay Tanod.

Layunin ng pagkakaloob ng mga communication equipment na higit pang mapalakas ang pagpapanatili ng kaayusan, seguridad, at mabilis na pagresponde sa anumang insidente sa nasabing barangay.

Lubos namang nagpasalamat ang mga opisyal ng barangay at mga Barangay Tanod sa pamumuno ni Hon. Vicente S. Toledo, Punong Barangay, sa suportang ipinagkaloob para sa kanilang komunidad.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng adhikain ng mga awtoridad sa pamamagitan ng mas pinaigting na ugnayan ng pulisya, lokal na pamahalaan, at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *