Unang Agoo half marathon, matagumpay na isinagawa sa Agoo, La Union
Dinagsa ng daan-daang runners mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang Agoo Eco Park nitong Linggo ng umaga, Mayo 17, 2026, para sa kauna-unahang Agoo Half Marathon na inorganisa ng Slowfootrunner Events katuwang ang Municipal Government of Agoo.
Lumahok ang mga kalahok sa 5K, 10K, at 21K categories kung saan tinahak nila ang scenic coastal roads ng Agoo bilang pagdiriwang ng kalusugan, tibay, at pagkakaisa ng komunidad. Nakibahagi rin sa aktibidad ang iba’t ibang advocacy groups bilang pagsuporta sa pagsusulong ng healthy lifestyle, sports development, at community involvement.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mamamayan na magkaroon ng aktibong pamumuhay, mapalakas ang sports tourism sa bayan ng Agoo, at maipakita ang kagandahan ng mga baybaying lugar ng munisipalidad sa pamamagitan ng isang makabuluhan at masayang marathon event.
Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa tulong at suporta ng Agoo Tourism Office, MDRRMO, MHO, APSOO, PNP-Agoo, BFP-Agoo, at mga opisyal ng sampung coastal barangays na nagsiguro sa kaligtasan at maayos na daloy ng marathon para sa lahat ng participants.
Panulat ni: IlocanoAk
Source: Agoo LGU