Kauna-unahang Youth Summit 2026, matagumpay na idinaos sa Alaminos City
Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang “Youth Summit 2026” sa Don Leopoldo Sison Auditorium sa pangunguna ng pamahalaang panlungsod sa ilalim ni Arth Bryan C. Celeste noong Mayo 19, 2026.
Bitbit ang temang “Empowering the Next Generation of Inclusive and Gender-Responsive Leaders,” dinaluhan ito ng mga student leaders mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa lungsod. Nakiisa ang mga kalahok sa mga makabuluhang talakayan tungkol sa Gender and Development (GAD), Responsible Social Media Management, Ethical Use of AI, at Backyard Gardening for Sustainable Living.

Layunin ng programa na palakasin ang kaalaman, kakayahan, at partisipasyon ng kabataan sa pagsusulong ng inclusivity, leadership development, at nation building.
Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang panlungsod na nagsama-sama upang suportahan at gabayan ang mga kabataang lider ng lungsod.
Source : LGU Alaminos
Panulat ni IlocanoAk