KKDAT at YFP Baggao Chapter, nakiisa sa information awareness at anti-terrorism awareness lecture

0
viber_image_2026-06-01_20-40-03-251

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Youth for Peace (YFP) Baggao Chapter sa isinagawang information awareness at anti-terrorism awareness lecture noong Mayo 30, 2026 sa Brgy. Imurung, Baggao, Cagayan.

Pinangunahan ni PCpt Bobby Tumaliuan, Team Leader ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Team ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, ang lecture kung saan ipinaliwanag niya ang umiiral na banta ng terorismo at ang mahalagang papel ng kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag, mapanuri sa impormasyon, at responsableng mamamayan, lalo na sa panahon ng mabilis na pagkalat ng impormasyon online.

Bahagi ang aktibidad ng Youth Leadership Summit 2026 na may temang “Combating Fake News Through Digital Literacy and Responsible Online Behavior,” na pinangunahan ng Local Government Unit of Baggao katuwang ang Baggao Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection-Baggao, 204th Maneuver Company ng RMFB2, at Charlie Company ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataan hinggil sa digital literacy, responsableng paggamit ng social media, at kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, mas napalalakas ang kakayahan ng kabataan na maging responsable, mapanuri, at aktibong katuwang sa pagbuo ng isang ligtas at mapayapang pamayanan.

Source: 1st Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *