BPATs, nakiisa sa Drug Symposium at BAT Training sa Sogod, Cebu
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Drug Symposium at Barangay Auxilliary Team (BAT) Training ng Sogod MPS sa mga Barangay ng Lubo, Dakit, at Bagakay noong Mayo 29, 2026.
Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PCPT Yves A. Montejo, Officer-in-Charge ng Sogod MPS, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan upang palakasin ang kakayahan ng mga barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Dumalo sa programa ang mga opisyal ng barangay, barangay tanod, mga miyembro ng BPATs, at mga cluster leader. Sa Drug Symposium, tinalakay ang masasamang epekto ng ilegal na droga at ang mahalagang papel ng komunidad sa pagsugpo sa paglaganap nito.
Samantala, sa BAT Training ay nabigyan ang mga BPATs ng karagdagang kaalaman at kasanayan upang mas maging epektibo sa kanilang tungkulin bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng seguridad sa kanilang mga barangay.
Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, higit na napalakas ang liderato, pagtutulungan, at koordinasyon ng mga barangay at BPATs sa layuning mapanatiling ligtas, mapayapa, at drug-free ang kanilang mga komunidad.