BPAT members at barangay officials ng Tastas, Ligao, sumailalim sa enhancement training at arresting technique seminar
Sumailalim ang mga kasapi ng
Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) kasama ang mga barangay officials sa isinagawang BPAT) Enhancement Training/Seminar at Arresting Technique Lecture ng mga tauhan ng Ligao City Police Station sa Brgy. Tastas, Ligao City noong Mayo 30, 2026, bandang alas-1:00 ng hapon.
Pinangunahan ang aktibidad ni PCPT Alladin Bongon, Community Affairs and Development (CAD) Officer, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Danny B. Baytec, Acting Chief of Police ng Ligao City Police Station.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman, kakayahan, at kahandaan ng mga barangay peacekeepers sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa kanilang komunidad.
Tinalakay sa seminar ang wastong pagresponde sa mga insidente, tamang pamamaraan ng pag-aresto, epektibong koordinasyon sa kapulisan, mga estratehiya sa crime prevention, at ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pulisya at mamamayan sa pagpapanatili ng seguridad sa barangay.
Binigyang-diin din sa aktibidad ang mahalagang papel ng mga BPAT at mga opisyal ng barangay bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapatupad ng mga programang pangkapayapaan at pangkaayusan.
Patuloy namang hinihikayat ng Ligao City Police Station ang aktibong partisipasyon ng bawat barangay sa mga gawaing naglalayong mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at
pagtutulungan ng komunidad at kapulisan, higit na magiging epektibo ang kampanya laban sa kriminalidad at iba pang banta sa seguridad.