Mountaineers at mga stakeholders, nagkaloob ng tulong sa mga mag-aaral
Sa pangunguna ng Mountaineers and Lowlanders Multipurpose Cooperative, katuwang ang mga donors, volunteers, at iba pang stakeholders, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng school supplies, tsinelas, at mga damit para sa mga piling mag-aaral na nangangailangan ngayong araw Hunyo 11, 2026.
Ipinakita ng mga mountaineers at stakeholders ang kanilang malasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral upang makatulong sa kanilang paghahanda sa pagbabalik-eskwela at patuloy na pag-aaral. Katuwang ang 102nd Maneuver Company sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Oliver L. Gaspar, ACC, kasama si Ma’am Maria Theresa Guway.
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang mga organisador sa lahat ng donors, volunteers, at stakeholders na naging bahagi ng gawaing ito. Umaasa silang mas marami pang mag-aaral ang maaabot at matutulungan sa mga susunod na programa sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng komunidad.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: 2nd MC, RMFB 1 PNP