Kabataan ng Brgy. Bulagao, nakiisa sa seminar laban sa droga at terorismo

0
viber_image_2026-06-10_22-16-32-331

Aktibong nakiisa ang mga kabataan ng Barangay Bulagao, Tuao, Cagayan sa isinagawang Program Seminar on Anti-Drugs, Terrorism Awareness, and Family Growth, na ginanap sa gymnasium ng barangay noong ika-7 ng Hunyo, 2028.

Pinangunahan ni PCpl. Medel Edward Julian, Assistant Investigator PNCO ng Tuao Police Station, katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Bulagao at mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), ang nasabing aktibidad na naglalayong palawakin ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa mahahalagang isyung kinahaharap ng lipunan.

Tinalakay sa seminar ang epekto ng iligal na droga sa indibidwal at komunidad, gayundin ang mga banta ng terorismo at ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag laban sa anumang uri ng ekstremismo. Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng kabataan bilang katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa kanilang komunidad.

Kasama rin sa talakayan ang pagpapahalaga sa pamilya bilang pundasyon ng isang matatag at responsableng mamamayan, na may mahalagang ambag sa paghubog ng mga kabataang may disiplina at malasakit sa kapwa.

Patuloy ang Tuao PS sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong palakasin ang kaalaman at kamalayan ng kabataan upang maging sandigan sa pagbuo ng ligtas at maunlad na komunidad, alinsunod sa adhikain ng Bagong PNP na serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.

Source: Tuao PCR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *