Tiwi MPS, nagkaloob ng seguridad sa community outreach program para sa mga kabataang katutubo

0
viber_image_2026-06-16_10-34-43-496

Bandang alas-4:30 ng hapon noong Hunyo 13, 2026, nagkaloob ng kinakailangang police assistance at security coverage ang mga tauhan ng Tiwi Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ JOHN LOUISE SALVADOR S. PACRES, Chief of Police, para sa isinagawang community outreach program na pinamagatang “Project Starshine: Helping Little Stars Shine Brighter.”

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng PMMA Class of 2014 sa pakikipagtulungan ng Twin J3 Sales and Marketing Corporation, Krystaluna Apothecary, at Coast Guard SOG Bicol sa ilalim ng pamumuno ni LCDR KATE ROYCE D. PACRES.

Bilang bahagi ng programa, nagsagawa ang mga katuwang na organisasyon ng isang gift-giving activity para sa 70 Indigenous Peoples (IP) na mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 ng Mayong Elementary School sa Barangay Mayong, Tiwi, Albay.

Sa pamamagitan ng maayos at ligtas na pagbabantay ng kapulisan, matagumpay na naipamahagi ang mga mahahalagang kagamitang pang-edukasyon sa mga batang mag-aaral.

Naghatid ang programa ng saya, inspirasyon, at pag-asa sa mga benepisyaryo habang higit pang pinagtitibay ang ugnayan at pagtutulungan ng mga pribado at pampublikong sektor para sa kapakanan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *