Mag-aaral sa Das National High School, nakilahok sa lecture ng 2nd Cebu PMFC
Nakilahok ang mga mag-aaral ng Das National High School
sa isinagawang Anti-Terrorism, Drug Awareness, at Anti-Bullying Symposium ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) o “Peacekeepers of the South” sa Barangay DAS, Toledo City, Cebu noong Hunyo 11, 2026.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Wilfredo I. Alarcon Jr., Force Commander, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng pulisya sa pagpapalawak ng kamalayan ng kabataan hinggil sa mga isyung nakaaapekto sa kanilang kaligtasan at kinabukasan.
Tinalakay sa symposium ang masasamang epekto ng paggamit ng ilegal na droga sa sarili, pamilya, at komunidad.
Binigyang-diin din ang negatibong impluwensya at banta ng mga teroristang grupo sa kapayapaan at kaayusan ng lipunan.
Bukod dito, ipinaalala rin sa mga mag-aaral ang masamang epekto ng bullying sa pag-aaral, emosyonal na kalagayan, at pangkalahatang kapakanan ng mga kabataan. Hinikayat sila na maging responsable, disiplinado, at makiisa sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang kapaligiran sa kanilang paaralan at komunidad.