“SAFE ALBAY: Kalalakihan, Sandigan ng Kababaihan at Kabataan Laban sa Karahasan,” matagumpay na isinagawa sa Sto. Domingo, Albay

0
viber_image_2026-06-16_10-34-44-875

Matagumpay na isinagawa noong Hunyo 13, 2026 ang programang “SAFE ALBAY: Kalalakihan, Sandigan ng Kababaihan at Kabataan Laban sa Karahasan” sa Potenciano Gregorio Recreational and Cultural Center (PGRCC), Brgy. San Vicente, Sto. Domingo, Albay.

Layunin ng programa na palakasin ang kamalayan, pakikilahok, at pananagutan ng kalalakihan sa pagsusulong ng karapatan, proteksyon, at kapakanan ng kababaihan at kabataan laban sa lahat ng anyo ng karahasan.

Nagsilbi rin itong plataporma upang higit na mapagtibay ang pagtutulungan ng pamahalaan, kapulisan, at komunidad sa pagtataguyod ng isang ligtas at mapayapang lipunan.

Dinaluhan ang aktibidad ng iba’t ibang opisyal at kinatawan mula sa pamahalaan at iba pang sektor, kabilang sina Hon. Noel E. Rosal, Gobernador ng Albay; PCOL Noel Donato Nuñez, Provincial Director ng Albay Police Provincial Office; Hon. Nomar V. Banda, Municipal Mayor ng Sto. Domingo; PMAJ Nora B. Viscaya, Chief ng Provincial Women and Children Protection Desk; PMAJ Dawin S. Sevilla, Chief of Police ng Sto. Domingo Municipal Police Station; Maria Vivien A. Cea ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO); Atty. Flora Mangampo-Remolacio; Hon. Marvin B. Baloloy, Municipal Councilor; mga kinatawan mula sa Scene of the Crime Operatives (SOCO); mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Albay Chapter Legal Mission; gayundin ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan, stakeholders, at mga miyembro ng komunidad na nagpakita ng kanilang suporta sa adbokasiya laban sa karahasan sa kababaihan at kabataan.

Sa pamamagitan ng nasabing programa, muling binigyang-diin ang mahalagang papel ng kalalakihan bilang katuwang sa pagprotekta sa kababaihan at kabataan at sa pagpigil sa mga insidente ng pang-aabuso at karahasan.

Naging daan din ito upang mapalawak ang kamalayan ng publiko hinggil sa kanilang mga karapatan at responsibilidad sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *