300 punong agoho, itinanim sa Agoo Protected Landscape

0
viber_image_2026-06-16_10-34-46-478

Nakiisa ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) La Union Chapter sa isinagawang Nationwide Synchronized Tree Planting Activity noong Hunyo 14, 2026 sa Agoo-Damortis Protected Landscape and Seascape sa Agoo, La Union.

Sa pakikipagtulungan ng DENR Region 1 at La Union PENRO, nagtanim ang mga abogado ng IBP, mga estudyante ng DMMMSU College of Law, at iba pang boluntaryo ng kabuuang 300 punong agoho upang makatulong sa rehabilitasyon at pangangalaga ng coastal ecosystem ng lugar.

Layunin ng aktibidad na isulong ang pangangalaga sa kalikasan, mapalakas ang climate resilience, at mahikayat ang sama-samang pagkilos para sa mas luntiang kinabukasan. Ang mga punong agoho ay kilala sa pagpigil ng soil erosion at pagprotekta sa mga baybayin.

Ipinakita ng programa ang pagtutulungan ng legal na sektor, mga ahensya ng pamahalaan, akademya, at komunidad sa pangangalaga ng likas na yaman para sa susunod na henerasyon.

Panulat Ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: IBP La Union Chapter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *