Mga mag-aaral sa Moalboal, nakikahok sa lecture at disaster preparedness ng mga awtoridad
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa isinagawang symposium ang mga tauhan ng 2nd Maneuver Platoon, 2nd PMFC, CPPO sa Moalboal Christian School Inc., Brgy. Tunga, Moalboal, Cebu noong Hunyo 23, 2026.
Sa pangunguna ni PLTCOL Wilfredo I Alarcon Jr., Force Commander, tinalakay sa mga estudyante ang kahalagahan ng anti-bullying, kahandaan sa sakuna, at wastong pagtugon sa oras ng lindol.
Nagkaroon din ng earthquake drill kung saan natutuhan ng mga kalahok ang tamang hakbang sakaling magkaroon ng lindol at iba pang mga sakuna.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng PNP upang palakasin ang kamalayan ng kabataan sa kaligtasan, disiplina, at kahandaan sa anumang uri ng emergency.