KKDAT nakiisa sa isinagawang Awareness Lecture sa Legazpi City

0
viber_image_2026-06-24_15-12-23-016

Nakiisa ang nga kasapi ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Awareness Lecture sa pangunguna ng mga tauhan ng Legazpi City Police Station (CPS) sa Barangay Maoyod, Legazpi City noong hapon ng Hunyo 23, 2026.

Layunin ng programa na palawakin ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa masasamang epekto ng ilegal na droga, banta ng marahas na ekstremismo at terorismo, gayundin ang negatibong epekto ng bullying sa kanilang pag-unlad at kapakanan.

Tinalakay rin sa aktibidad ang kahalagahan ng mabuting asal, responsableng pagdedesisyon, paggalang sa kapwa, at aktibong pakikilahok sa mga programang pangkomunidad na nagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan.

Sa pamamagitan ng mga impormasyon at gabay na ibinahagi ng mga kapulisan, hinikayat ang mga kabataan na maging mapanuri, disiplinado, at matatag laban sa mga impluwensyang maaaring magdulot ng kapahamakan sa kanilang kinabukasan.

Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng kabataan bilang katuwang ng pamahalaan at ng Philippine National Police sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at maunlad na komunidad.

Patuloy namang isinusulong ng Legazpi City Police Station ang mga programang nakatuon sa paghubog ng kabataan upang maging responsable, makabayan, masunurin sa batas, at produktibong mamamayan na magsisilbing mahalagang puwersa sa pagbuo ng isang mapayapa at drug-free na lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *