Isarog Masonic Lodge No. 33, naglunsad ng Community Outreach Program sa Naga City

0
sdsvvvvv

Matagumpay na naglunsad ng Community Outreach Program ang Isarog Masonic Lodge No. 33, katuwang ang Junior Chamber International (JCI) Naga at BCVR kamakailan lamang na ginanap sa Covered Court ng Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City.

Sa nasabing programa, namahagi ang grupo ng food packs, bitamina, at dalawang wheelchair sa mga piling benepisyaryo bilang tugon sa kanilang pangangailangan.

Nakiisa sa programa ang mga tauhan ng Naga City Police Office sa pangunguna ni PCOL RIZALDY L CABALLERO, Acting City Director ng Naga City Police Office, kasama ang mga tauhan ng City Mobile Force Company (CMFC) sa pamumuno ni PLTCOL JEROME L REGACHUELO, Force Commander; at ang R-PSB Team 2.

Dumalo rin sa programa sina Hon. Rene B. Roquid, Barangay Councilor ng Brgy. Concepcion Pequeña; WM Cesar P. Postrado ng Isarog Masonic Lodge No. 33; Mr. Julmar R. Pante, Pangulo ng JCI Naga; at SW Vincent Del Castillo ng Isarog Masonic Lodge No. 33 at Executive Vice President ng JCI Naga.

Layunin ng naturang outreach program na makapaghatid ng agarang tulong sa mga nangangailangang residente at higit pang mapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng mga awtoridad at ng iba’t ibang stakeholder sa pagsusulong ng mga programang pang-komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *