KKDAT, nakilahok sa lecture ng mga awtoridad sa Cebu City
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabaatan Kontra Kriminalidad at Terorismo sa isinagawang Community Awareness Lecture ng mga awtoridad sa Pulangbato Sports Complex, Barangay Pulangbato, Cebu City noong Hunyo 28, 2026.
Nanguna sa programa sina PMSg Albert Sedon at Pat. Jasmin Joy Gonzales sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Wilmer Macasling Castillo, Officer-In-Charge ng Police Station 8 Cebu City Police Office.
Tinalakay sa aktibidad ang Drug Awareness, Anti-Terrorism Awareness, Anti-Bullying, at Crime Prevention and Safety Tips upang palakasin ang kamalayan ng mga kalahok sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Nagtapos ang aktibidad sa isang open forum na nagbigay-daan sa mas aktibong pakikilahok ng mga kabataan at lalong nagpatingkad sa ugnayan ng kapulisan at komunidad.