BPATs, Kaagapay ng kapulisan sa pagpapanatili ng seguridad sa Marikina
Nagsagawa ng night roving at foot patrol ang mga tauhan ng Marikina Police Station katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa Barangay Parang, Marikina City nito lamang Linggo, Agosto 16, 2026.
Layunin ng operasyon na palakasin ang kampanya laban sa kriminalidad sa pamamagitan ng mas pinaigting na police visibility, pakikipag-ugnayan sa komunidad at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat mamamayan lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Kasabay nito, pinaalalahanan, binigyang-kaalaman, at ipinaunawa sa mga residente ang mga umiiral na ordinansa ng Lungsod ng Marikina at ang mga ipinagbabawal na gawain upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa kanilang lugar.

