Student Discipline Symposium, inilunsad sa San Andres, Catanduanes

0
viber_image_2026-07-05_12-57-04-113

Patuloy na pinalalakas ng San Andres Municipal Police Station (MPS) ang ugnayan nito sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga programang naglalayong hubugin ang disiplina, responsibilidad, at kamalayan ng mga kabataan sa batas.

Noong Hulyo 3, 2026, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Francis T. Tabo I, Chief of Police, nakiisa ang San Andres MPS sa inilunsad na 1st Symposium on Student Discipline na isinagawa sa Mayngaway National High School sa Brgy. Mayngaway, San Andres, Catanduanes.

Nagsilbing resource speaker sa naturang symposium si PEMS Neil M. Gerona, MESPO, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang.

Tinalakay sa symposium ang kahalagahan ng disiplina sa kabataan, pagsunod sa batas, at mga hakbang sa pag-iwas sa krimen. Binigyang-diin din ang mga isyu hinggil sa ilegal na droga, bullying, karahasan, at iba pang mapanganib na gawain na maaaring makaapekto sa kinabukasan ng mga kabataan.

Bilang bahagi ng programa, namahagi rin ang mga tauhan ng San Andres MPS ng mga flyers na naglalaman ng crime prevention at safety tips sa mga mag-aaral at magulang.

Naging katuwang sa aktibidad ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Kabataan Kontra Kriminalidad (KKK), na nagpapakita ng aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagsusulong ng isang ligtas at mapayapang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *