Mga mag-aaral sa Villaverde, nakatanggap ng tulong sa community outreach program ng NVPPO-PAGPTD

0
viber_image_2026-07-05_12-57-06-381

Matagumpay na isinagawa ang isang Community Outreach Program para sa 207 mag-aaral ng Ernesto Lappan Pale Elementary School sa Brgy. Cabuluan, Villaverde, Nueva Vizcaya noong Hulyo 3, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng serbisyong nakatuon sa kapakanan ng komunidad.

Pinangunahan ni PMaj Randy Joseph E. Carbonell, sa ilalim ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) na pinangangasiwaan ng Provincial Police Strategy Management Unit (PPSMU), ang nasabing aktibidad. Naging katuwang sa programa ang iba’t ibang police units at partner organizations, kabilang ang ZONTA Club of Nueva Vizcaya, Gamma Spectrum Clan, Inc., Independent Kabalikat Civicom, DC Ventures, Mamuric7 Telecommunication Corporation, Radyo Natin 104.5 Bayombong, Nueva Vizcaya–Ifugao Dental Chapter, Philippine Dental Association, Inc., at ang 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company.

Tampok sa outreach program ang feeding activity, pamamahagi ng school supplies, dental kits, at reading materials, libreng gupit, at dental fluoride treatment para sa mga mag-aaral. Ipinahayag din ni Mr. Virgilio Maurera, School Head Teacher III, ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa NVPPO at mga katuwang nitong organisasyon sa patuloy na pagsuporta sa kapakanan at pag-unlad ng mga mag-aaral.

Layunin ng aktibidad na higit pang palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa edukasyon, kalusugan, at kapakanan ng kabataan. Patunay rin ito ng patuloy na pagsusulong ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office ng ‘serbisyong nararamdaman’ at makabuluhan sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor, tungo sa isang ligtas, maunlad, at nagkakaisang pamayanan alinsunod sa adhikain ng Bagong Pilipinas.

Source: PNP Nueva Vizcaya PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *