Lopez MPS, Nagsagawa ng Outreach Program sa Bebito Elementary School

0
Screenshot-2026-07-25-140959

Nakibahagi ang mga tauhan ng Lopez Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang outreach program ng Rizal Masonic Lodge No. 20 para sa mga mag-aaral ng Bebito Elementary School sa Barangay Bebito, Lopez, Quezon.

Sa pangunguna ni PLTCOL JUN S. VILLAROSA, Chief of Police, nagsagawa rin ang kapulisan ng information drive hinggil sa anti-bullying at anti-criminality awareness. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pag-iwas sa bullying at iba pang uri ng krimen, gayundin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran sa loob at labas ng paaralan.

Sa pamamagitan ng naturang programa, patuloy na pinalalakas ng Lopez MPS ang pakikipagtulungan nito sa mga organisasyon at sektor ng komunidad upang maisulong ang proteksyon, kaligtasan, at kapakanan ng mga kabataan, alinsunod sa layunin ng kapulisan na maging katuwang ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *